Wednesday, March 19, 2008

Makita Kang Muli

Tags

We always dream to see again the person we love most. As they say "absence makes the heart grow fonder..." But what if you didn't anymore love the person you love so much before?!! Minsan handa nating ipaglaban, gawin lahat, at magsakripisyo makapiling lang ang taong akala nati'y mamahalin natin ng habambuhay. Akala mo minsan siya na, ngunit hindi pala!
Everything in this world changes. Pati pala ang pag-ibig, nagbabago rin! Akala mo noon ang taong ipinaglaban mo nang abot-hanggang langit na pag-ibig ay biglaang maiiba, ito pala'y maglalaho rin. Just what my friends ever said, "lilipas rin 'un" or "malalaos rin kayo...!" Tama nga, magigising ka na lang isang umaga na wala ka na palang nararamdaman sa taong ipinaglaban mo minsan sa buhay mo.
To all the person who indeed fight for love and for their love ones, let me share with you a song that once glew my heart. A song that once serve as my fighting spirit to fought for everything that meant for us to own.
Tapos na ang pakikipaglaban ko dati bilang mandirigma at sabi nga'y 'savior' sa lahat ng larangan...for fame, career, ambition, and love! I once lived as a powerful savior (just like Aguiluz in a telefantasya). And now I am starting my New romantic story but interrupted for the meantime just because I need to focus for the more important one. Naku, malapit na po ang Nobyemre...ang huli kong pinakamabigat na laban...!!! (buti na lang magaling ang tadhana, pinaglapit man ang dalawang puso, it created a new path apart to be able to concentrate for a vital one)!
Though the feeling was gone, it inspiringly pleasant to look back the great love that once built a new you. Now that I am preparing for my upcoming great fight, for a while I will sit back, relax, and commemorate the past. Makita ka mang muli, wala na ang dating ipinaglabang pag-ibig...



Makita Kang Muli


Bawat sandali ng aking buhayPagmamahal mo ang aking taglaySan man mapadpad ng hanginHindi magbabago aking pagtinginPangako natin sa MaykapalNa tayo lamang sa habang buhayMaghintay
Ipaglalaban ko ang ating pag-ibigMaghintay ka lamang, Ako’y daratingPagka’t sa isang taong mahal mo ng buong pusoLahat ay gagawin makita kang muli,Makita kang muli
Puso’y nagdurusa nangungulilaIniisip ka ‘pag nag-iisaInaalala mga sandaliNang tayo ay magkapilingIkaw ang gabay sa aking tuwinaAng aking ilaw sa gabing mapanglawTanging ikaw
Ipaglalaban ko ang ating pag-ibigMaghintay ka lamang, ako’y daratingPagka’t sa isang taong mahal mo ng buong pusoLahat ay gagawinMakita kang muli, makita kang muliMakita kang muli

(Popularized by: Sugarfree)

Rocky de Bravia

Tags



I just wanted to share again this experience that lead me to the Grand Prize in our Christmas Party last December. It's also a form of thanksgiving to the Lord for giving me such kind of Blessing!

"Your wish may just come true...and 60 others more this Sunday!"

This is the email all our employees received before our Dec. 9, 2007 Christmas Party at the Rockwell Tent. Yup, our company will be giving away a total of 60 applicances and gadgets for this year's raffle with the Sony Bravia 32" LCD Flat Screen TV as the Grand Prize. I've just ignored the email since sabi ko nga, "di naman ako swerte sa mga bunutan...!" I'm intending to go to the party just for the celebration, get-together, and for the foods.
Unexpectedly, on my way to the party, when I'm on the bus going to the MRT, one drunk man sat besides me! He sat on the middle of the seat, in between me and the other passenger. Kahit ganun kabaho nung katabi ko, no choice! But bad trip ung sumunod na nangyari, 'Sumuka' sa gitna namin ung lasing na katabi ko! At tumalsik pa sa sapatos kong itim at puting pantalon ung suka nya! Yak!!! Buti nalang may dala akong tissue at inubos ko doon mapunasan lang ung tumalsik sa pantalon ko at sa sapatos. Di pa ako kaagad nakaalis dun sa upuan, since nasa dulo ako sa tabi ng bintana at di makadaan sa nagkalat na suka nya!!! Hay... nang matapos nyang punasan ung daan, dali-dali na akong umalis dun sa upuan at inis na inis na humingi ng basahan sa conductor upang maalis pa ang natitirang mantsa sa puti kong pantalon!!! Bad trip, amoy suka na ko, pagdating sa party! Sabi ko nalang sa sarili ko, baka swerte ung nangyaring 'yon, may raffle pa naman!
W
hen I arrived at the party, kaagad me nanghingi ng alcohol at cologne sa kasama matangggal lang ang mabahong amoy at di nila malaman ang nakakahiyang pangyayayari!
The program goes on...isa-isa nang nagtatawag ng mga nabubunot sa raffle starting from the lowet / minor prizes of electric fan, flash drive, etc... 'Nung mga panahong 'yon, mabilis na tumitibok ang puso ko (hindi po dahil naroon na ung crush ko) pero di ko talaga alam kung bakit?? (^_^)
Naiinggit me sa mga kasama ko, kasi halos lahat sila natawag na sa mga prizes. Nagbiro pa nga me sa isa, sabi ko, "akin nalang 'yang napanalo mo, di mo na kailangan 'yan kasi mayaman ka na!"
The program goes on and on, until the last two major prizes. Natawag na ung second to the last major prize, isa na lang ung hinihintay! Sabi ko, wala nang pag-asa dyan... di naman ako swerte talaga sa mga raffle!!
When the General Manager announced the Team nung nabunot na pangalan, medyo bumilis pa ang pintig ng puso ko lalo na nung sinabing..."it starts with the letter R..then O... Rocky Batara"!
I hurriedly came up on the stage to get the certificate. Wala na akong maramdam nung marinig ung name ko as well nang umaakyat na ako sa stage. I won...I won the Grand Prize!!! Di ako makapaniwala. I got the Sony Bravia 32" LCD FlatScreen TV which worth 89k!
Laking pasasalamat ko nang gabing iyon. Sa wakas, hindi na
kami mag-aaway pa ng kapatid ko sa mga palabas sa TV dahil Kapamilya ako at sya nama'y Kapuso!
After all the 'malas' na na-encounter ko lalo na nung
November...isang di inaasahang malaking swerte rin ung dumating!!
As they always say, "good luck knocks Once" kaya't malugod kong pinatuloy ito. Out of the 60 prizes, I still got the GRAND PRIZE. Di ko akalain, ako pala 'ung 'Lucky One' nung gabing iyon. Siguro nga...Sinuwerte ako nang masukahan ako nang lasing sa bus...???

Ang Maghaharing Daga!

Tags






"Ang ganda na ng 'Lobo' kagabi...magiging Lobo na si Angel. Pero bakit kaya hindi siya nagpalit ng balat gayung kaarawan na niya sabay ng pulang buwan...!!"



Isa lamang ito sa mga eksenang inaabangan ko at ng marami sa atin lalo na sa paborito kong telepantasyang 'Lobo'. Usong-uso na nga ngayon na ginagamit ang mga hayop lalo na sa mga telepantasya. Ahas sa 'Kamandag', ibon noon sa 'Mulawin', isda sa 'Marina' , at lobo or wolf naman ngayon sa 'Lobo' to name a few! (^_^)
Malaking bahagi na sa buhay natin, sa paniniwala, sa desisyon, at marami pang iba ang mga hayop. Lalong-lalo na noong nakaraang buwan pagkatapos ng Chinese New Year, ang sikat na sikat na
chinese horoscope! Lagi nang kapanalig natin kung year of the ano na ba sa taong ito!
Bilang isa ring tsinoy, isa rin po ako sa mga abalang nakikigulo sa mga paniniwalang tsino lalo na po sa chinese horoscope na taun-taon kong inaabangan ang mga forecast kung swerte ba ako sa taong ito, malas, etc..! Glad to say, year ko ngayon!! Taon ng mga daga..year of the rat!
As of the moment, ayos ang mga descriptions sa lahat ng mga
isinilang sa taon ng mga daga. Nagtutugma lahat sa mga personality ko. "Creative, artistic, romantic, clever, ambitions, always care for his love one..." ang ilan sa mga sinasabi (secret pa muna ung iba :p)!
Tugma rin ung mga predictions like noong 2005, 2006 sa mga taon na sinuwerte ako (lalo na sa lovelife ko noon) at mga blessings. Thanks God pa rin at nahadlangan ko ang mga bad lucks!

At ngayon, palakpak tenga ako at nagagalak sa paghahari namin sa taong ito! As more experts say, swerte raw kami sa taong ito (I hope) dahil nga taon namin ito...!!
Too late na para salubungin ko ang 'year of the rat' dahil nung Pebrero pa ito pero, pinagsabay ko na ngayong Marso dahil papalapit na rin ang kaarawan ko!
The Year I was born plus the month of my birth....
Sa pagsapit ng kaarawan ko, kasabay ng paghahari ng mga daga kung saan sa taong ito rin ako isinilang...well hintayin natin!
Magpapalit rin kaya ako ng balat tulad ng mga 'waya' o taong-lobo? O baka naman kailangan ko pa ng 'kalasag' tulad ng kay 'Kamandag' o ng isang 'ugat-pak' parang sa 'Mulawin'?
Sabi nga nila ang swerte raw ay nasa tao rin. Ang iba nama'y talaga lang pinagpapala bilang gantimpala sa kabaitan at kabutihan.
Pero ano pa man, let's count all our blessings!
Nagpapasalamat po talaga ako lalo na sa Diyos dahil bago pa man
noon matapos ang Disyembre hanggang sa buwang ito ngayon, tuloy-tuloy pa rin ang swerte at blessings!!! More and more to come... :p

Saturday, March 15, 2008

Pangitain

Tags








Let me share with you a 'slight horror' short story written by me. Yup, I wrote this short story two years ago when I was still in college and was the current Managing Editor of our official school publication. It was supposed to be published March this year before we graduate, but due to 'certain controversies' it was remained “unpublished” !Since I have now my online blog, let me share it with my avid readers. It leaves us a lesson to look upon. Enjoy reading and I expect comments from you! (^_^)

Pangitain
Written By: Rocky C. Batara
“Anong nakikita nyo?”“Isang impakto. May kaliitan s’ya sa tao. May mahabang balbas, maitim, at mga matang nanlilisik!Kinilabutan ang kanina pa balisang i na nang marinig ang sinasabing dahilan ng nangyari kakaiba sa kanyang anak.
“Di sinasadyang nasagi po ng inyong anak ang laman-lupang iyon kaya’t ganun na lang ang galit nito at binigyan ang inyong anak ng mapupulang pantal!”
“Ano pong gagawin namin para mawala ang galit ng engkanto upang tuluyan nang gumaling ang aking anak?”
Kaagad nagpunta ng kusina ang mala-albularyong si Romi at duon naghanap ng maibibigay na solusyon. Isang langis na may kahalong ugat sa loob ng isang maliit na bote ang kanyang nakita at ibinigay sa umaasang pasyente.
“Ito na lang ang nag-iisang pinakamabisa at pinakamalakas na pangontra ng aking yumaong ama laban sa mga diyablo at impakto. Kung ibibigay ko pa sa inyo ‘to…”
“Sige, babayaran ko kahit magkano masiguro lang ang tuluyang paggaling ng aking anak”.
Agad kinuha ng galanteng ina ang pitaka at iniabot sa manggagamot ang tatlong libo para sa gamot. Bago iniabot ni Romi sa ina ang gamot, humirit pa ito!
“Sapat na po sana ito. Kaya lang po, dahil mag-iisambuwan pa lang mula nang pumanaw si ama, kailangan pa po…”“Naiintindihan kita. Malaki na rin ang utang na loob ko sa albularyo mong ama. Ilang beses nya na rin ako noon napagaling sa iba’t ibang karamdaman at napabalik sa aming tahanan ang aking mister. Noon kahit anong pilit ko sa kanyang mag-abot ng bayad, di niya ito tinatanggap pero ngayon bilang abuloy na rin at pagpapasalamat heto dodoblehin ko pa iyan!”
Pagkabigay ng pera, lumulan na sa kanilang sasakyan ang mag-ina upang makauwi na sa layo ng kanilang pinanggalingan.
Tuwang-tuwa naman ang nagpapanggap na si Romi. Malapit na naman ang buwan ng Abril sa kanilang baryo at tulad ng nakagawian, dinarayo pa ng mga tao ang kanilang bahay mula sa malalayong lugar upang magpagamot at magpahula noon sa kanyang nasirang ama. Isang magaling at kilalang albularyo kasi ang kanyang amang si Mang Ambo. Lahat ng mga sakit lalo na ang kulam o anumang gawa ng mga impakto ay kaagad niyang napapagaling at lahat halos ng kanyang mga hula ay nagkakatotoo. Wala pang isang buwan nang pumanaw ang kanyang ama mula sa bangungot kaya’t hindi pa halos nakararating sa malalayong kakilala at mga napagaling na nuon nito ang balita. Ang mandarambong na si Romi, ang nag-iisa at suwail nitong anak ang nagpatuloy kuno sa kanyang gawain upang makalikom ng pera. Ginaya niya muna pansamantala ang istilong ginagawa nuon ng kanyang ama. Bukod sa pagiging tambay at walang mapagkunan ng pera, minabuti nya munang mang-‘raket’ sa mga dati nang pasyente ng kanyang ama. Karamihan pa naman sa mga ito ay may-kaya at napagaling na rin noon ng kanyang ama kaya’t madali niyang napaniwala ang mga ito na kung ano ang puno ay siyang bunga! Agad na tinungo ni Romi ang pasugalan sa kalapit-bayan upang palaguin pa ang na-raket na pera. Subalit hindi lahat ng swerte ay nasa kanya. Imbes na lumago ay naubos pa ang anim na libong dala niya.
“Punyeta! Paano akong makakaipon nito patungong Maynila, nasa-id pa ang perang nagoyo ko!”
“Easy ka lang pare! Nakikita mo ba ‘yung matandang mayaman na tumalo sa atin?”
“Oo pare! Alam ko na ang nasa isip mo!”
Agad nilapitan ng dalawang hoodlum ang kanina pa tuwang-tuwang matanda sa sunud-sunod na panalo. At humirit na si Romi sa anyong natatakot!
“ Ba…Bakit!”, tanong ng matanda.“Manong, kasi ho, nakita ko po kayo kanina na walang ulo!”, ani Romi.
“Ha!!!” Sa anyong pagtataka at pagkagulat.
“At ibig sabihin nang pangitaing iyon, may masamang mangyayari sa inyo. Nagbabadya iyon ng kamatayan!”
Malakas na tawanan ang pumalibot sa buong sugalan habang takot ang bumalot sa buong mukha ng matanda, mapamahiin pa naman ito.
“Kung hindi nyo naitatanong, anak ‘yan (si Romi) ng magaling na ‘psychic’ dito sa aming baryo at minana nyan ang ‘third eye’ ng kanyang ama!”, mas malakas pang tawanan ang sumunod!
Pagka-alis na pagka-alis ng matanda sa sugalan, agad na sinundan ito nina Romi. Habang hinahabol ang sinusundan ay nagtakip muna ng mukha ang dalawang lalaki at pagdako sa pinakamadilim na parte ng lugar…
“Holdap ‘to! Ibigay mo lahat sa amin ang pera’t alahas mo!!!”
Dala ng takot at sa sinabi sa kanya kanina, walang pagtutol na ibinigay niyang lahat ang pera’t alahas sa katawan.
“Sabi ko sa’yo eh, may masamang mangyayaei sa inyo. He! He! He!”
Nanginginig habang hawak ang sumisikip na dibdib ng matanda nang iwan ito ng dalawang lalaki. Hindi na nakapagsalita pa ang matanda upang humingi ng tulong sa stroke na sinasapit nito hanggang sa tuluyan na itong bumagsak sa lupa.
“Pare natuluyan na si tanda!”
“Mabuti nga sa kanya. At least hindi siya namatay sa ating mga kamay. Hindi na gaanong mag-iisip ang mga tao gayung atake sa puso ang ikinamatay niya. Wala na tayong kasalanan dyan, malinis lang tayo trumabaho!” “Dagdag patotoo pa ‘yan sa mga tao sa atin na may ‘powers’ ka ngang minana mula sa i0yong ama dahil naging totoo ang biro mo kanina”, dagdag pa ng kasama ni Romi bago nila tuluyang nilisan ang lugar.
Naging usap-usapan ang pagkamatay ng matanda sa kanilang baryo. Samantalang si Romi, patawa-tawa lang matapos mapaghatian ang naholdap na pera’t alahas. Ngunit hindi pa rin siya nakuntento dito at ninais nyang mapalago pa ito bago tuluyang lisanin ang kanilang baryo patungong Maynila. Gaya ng una, itinuloy niya ang ginagawang pagpapanggap lalo na’t sumasang-ayon sa kanya ang panahon. Sumapit na ang buwan ng Abril kaya’t tulad ng nakasanayan, dinarayo na ng ilang mga taong napagaling na noon ng kanyang ama. Bagamat may duda ang ilan, ang kagalinga’t kabaitan noon ng kanyang ama ang nagdala sa pangalan ni Romi.
Walang pakialam sa kung ano ang ginagawa, samu’t saring damo, ugat, at dahon ng kung anu-anong halaman ang pinaghalo-halong pinakuluan ni Romi may maibigay lang lang sa mga humihingi ng gamot. Hindi lang basta bigay, kaunting drama pa ng “konting tulong at abuloy lang po sa yumao kong ama” ang maririnig mong kapalit. Gayung tanda na rin ng pagpapasalamat, taos puso namang nagbibigay ang karamihan lalo na’t may kaya ang ilan sa kanila. Ang ibang walang maibigay, prutas at gulay na lang ang iniaabot subalit tinatanggihan ito ni Romi sa dahilang marami na raw silang tanim nito at mas mahalaga na sa ngayon ang pera pagka’t marami ka pang maipapalit na pangunahing kaya’t napipilitan pang mangutang ang ilan. “Business first before others” kaya’t ang ilang amoy anda’t makapal ang bulsa ay lagi niyang inuuna sa pila. Ang ilang di kayang ‘maglagay’, binibigyan niya na lang ng botelya’t pina-aalis na kaagad gayong simpleng trangkaso lang daw ang sinapit nila.
Bagamat may konting takot pa ri’t pangamba na baka may makahalata, sa loob ng tatlong araw na pagpapanggap ni Romi, humigit – kumulang na sa tatlumpung libong piso na ang kanyang nalikom. At sa pagkakataong ito, handa na siyang lisanin ang kanilang lugar patungong Maynila upang duon na magsimula ng bagong pamumuhay bago pa man siya mabuko. Subalit kahit balewala na sa kanya ang ginawa nilang krimen sa pagkamatay ng matanda, animo’y nag-iwan pa rin ito ng ‘trauma’ sa kanya pagkat sa di malamang dahilan o pagkakataon nga lang kaya, ilan sa maysakit na nagpupunta sa kanya, animoy guni-guni sa unang tingin, nakikita niya muna itong ‘Walang Ulo’!!!
Kaba sa unang pagkakita subalit matapos niyang maikurap ang kanyang mga mata, may ulo na uli ang pasyente kaya’t nakahinga na siya ng maluwag at nasabing”hay, guni-guni lang pala” at nakumbinsi na ang sarili na marahil kumakatok lang ang kanyang konsyensya sa kasalanang nagawa o baka paraan lang ito ng pagpaparamdam sa kanya ng namatay na matanda. Matapos niyang manggamot kuno sa huling pasyente, isang ale pang may karga-kargang 3 gulang na bata ang hahabol pa sana sa panloloko niya. Subalit sa maruming kasuotan at anyo nitong dukha, hindi na niya ito pinag-aksayahan pa ng panahon at pinababalik niya na lang kunwari ito bukas sapagkat naka-alis na siya bukas sa baryong iyon, wala rin naman siyang makukuhang pera rito kahit pa mangiyak-ngiyak na nagmakaawa ang aleng ipagagamot sana ang maypilay na anak.
Malalim na ang gabi. Naihanda nang lahat ni Romi ang mga damit na dadalhin bukas pagluwas ng Maynila. Sabay ng mga ‘tiktak’ ng orasan, di niya maipaliwanag ang nararamdamang kaba kaya’t minabuti niyang tingnan ang orasang nakasabit sa dingding katabi ng isang nakatayong salamin. Sakto alas-dose na ng hating-gabi at sabay ng pagtingin niya sa orasan, di sinasadyang napalingon siya sa salaming katabi nito at nagimbal siya sa kanyang nakita! Presto! Kitang-kita niya ang kanyang sarili sa salamin na WALANG ULO! Paulit – ulit niyang kinuskos ang mga mata na baka namamalik-mata lamang siya ngunit anumang kuskos o pagkurap na gawin niya, nananatili pa ring WALANG ULO ang kanyang sarili sa salamin! Lalo pa siyang kinilabutan ng isang aninong nakatalukbong ng itim ang napansin niyang nasa likuran ng sariling WALANG ULO sa salamin. Kaagad niyang tinungo ang papag at pipilitin pa sanang itulog na lang ang sarili subalit pauli-ulit na sumasagi sa isip ang nasaksihan lalo na’t naalala niya pa na ‘KAMATAYAN’ ang ibig sabihin nito na sinabayan pa ng alulong ng aso sa labas.
“Hindi! Hindi totoo ‘to! Hindi ako magpapa-apekto! Minumulto lang ako ng bwisit na matandang iyon!!”
Sa pagkakataong ito, hindi na siya nagdalawang –isip na umalis na kaagad sa kanilang bahay sa oras ding iyon. Dali-dali niyang kinuha ang isang malaking maleta laman ang mga damit at perang nakulimbat, baka maabutan pa kasi siya ng mga tao kinaumagahan. Sa pagmamadali, di sinasadyang nasagi nito ang lamparang nasa ibabaw ng lamisita na nagpasiklab ng apoy.
Bago pa man maikalat nito ang sunog sa buong bahay, nakalabas na si Romi dito. Papaliko na sana siya ng matanaw niya ang buong ka-baryo kasama ang mga kamag-anakan ng mga pasyenteng maysakit na pumunta sa kanya na may dalang sibat at panunog kasabay ng mga sigawang, “Patayin ang mamamatay taong iyan ! Pinatay niya ang mga kamag-anak namin sa maling gamot kuno na pinagbibigay niya. Patayin…!!!!”

Nang makita ito, kaagad siyang umiba ng daan patago sa mga tao. Pabilis nang pabilis ang kanyang pagtakbo habang tumatawa ang isip.
“’ Kala niyo ha! Hindi ako mamamatay. Dalawang tangkang pagpatay sa akin na ang natakasan ko! He! He! He!! Iisipin pa ng mga ulol na taong iyon na natupok na ako ng apoy sa sarili kong pamama
hay pagdating nila dun!!”
Lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo at wala nang pakialam sa nadaraanan sa paligid kaya’t di na niya napansin pa a
ng lumaragasang ‘ten wheeler truck’ na walang anu-anong sumagasa sa kanya at kumaladkad sa buo niyang katawan hanggang sa tuluyan na siyang malagutan ng hininga na nagsilbing kabayaran sa lahat ng mga buhay na inutang niya…..!!!!

***WAKAS ***
(Another unpublished worked!)

The LORD is my ROCK

Tags







I'd like to share with you another poem which I wrote last year. I wrote this poem during the time that I was inspire, inspire to face challenges, inspire to take the risk, inspire to face all the difficulties I have encountered. The Lord gave me all the courages, with His help and guidance, I top them all. I always pray, and seek the help of our dear God during the time of crises, time of joy, ups, and downs.
Sad to say it was unable to publish in our publication, so I share it with you to give you an inspiration...



The Lord is my Rock



The Lord is my rock…
He shelters me from every storm
He comforts me from every failure
He gave His hands to lean on
He saves me from captivity
He leads me on the right path
He lights my way home!
The Lord is my rock…
More than a lawyer that saves my innocence
More than a teacher that teaches me the right from wrong
More than a doctor that cures my wounded soul
More than a caregiver that nourishes my life and spirit
More than a an architect that designs my fate
More than an engineer that innovate my path
He’s more than my closest Bestfriend!
The Lord is my rock…
the force on every action
the light on every darkness
the cure on every pain
the smooth on every rough
the answer on every question.
The Lord is my rock…
… my savior, my shepherd,
my fortress. my defender,
my wall, my shield,
my light on the shinning armor…
My Lord, my rock…. more than everything in this world…!!!




(A poem written by Rocky C. Batara, Unpublished)

Rocky

Tags


Just wanna share with you my poem which is my self title as an introduction to my blog. I've just created this poem four years ago and was published to 'Kalyo', our officicial school literary publication...

rocky

God allows life to be rocky…
full of trials, full of challenge
full of pains, full of aches
full of sufferings, full of cracks
full of fears, full of threats
full of droughts, full of crimes
full of angers, full of wickedness
full of betrayals, full of temptations
full of darkness, full of evilness.
He lets everybody to be rocky…
to be hard, to be strong
to be courageous, to be tough
to be burly, to be sturdy
to be bully, to be ruffian
to be fighter, to be assertive
to be vigorous, to be coercive
to be intensive, to be forceful
to be hopeful, to be faithful
He polishes rocks to be glossy…
to turn rough into smooth
to use pains to lead compassion
to turn fears into faith
to use greed to lead forgiving
to turn doubts into trusts
to use weakness to lead courage
to turn black into white
to use angers to lead love…to lead peace!
Life is rocky…
that sways to and fro
that moves backward or forward
that totters and shakes on every beat
that continuously grind, dig, and crush…
not to put all into dust…
but to shine all into PRECIOUS GEMS…!


(A poem written by Rocky C. Batara, March 2004, Published..)