Wednesday, March 19, 2008

Rocky de Bravia

Tags




I just wanted to share again this experience that lead me to the Grand Prize in our Christmas Party last December. It's also a form of thanksgiving to the Lord for giving me such kind of Blessing!

"Your wish may just come true...and 60 others more this Sunday!"

This is the email all our employees received before our Dec. 9, 2007 Christmas Party at the Rockwell Tent. Yup, our company will be giving away a total of 60 applicances and gadgets for this year's raffle with the Sony Bravia 32" LCD Flat Screen TV as the Grand Prize. I've just ignored the email since sabi ko nga, "di naman ako swerte sa mga bunutan...!" I'm intending to go to the party just for the celebration, get-together, and for the foods.
Unexpectedly, on my way to the party, when I'm on the bus going to the MRT, one drunk man sat besides me! He sat on the middle of the seat, in between me and the other passenger. Kahit ganun kabaho nung katabi ko, no choice! But bad trip ung sumunod na nangyari, 'Sumuka' sa gitna namin ung lasing na katabi ko! At tumalsik pa sa sapatos kong itim at puting pantalon ung suka nya! Yak!!! Buti nalang may dala akong tissue at inubos ko doon mapunasan lang ung tumalsik sa pantalon ko at sa sapatos. Di pa ako kaagad nakaalis dun sa upuan, since nasa dulo ako sa tabi ng bintana at di makadaan sa nagkalat na suka nya!!! Hay... nang matapos nyang punasan ung daan, dali-dali na akong umalis dun sa upuan at inis na inis na humingi ng basahan sa conductor upang maalis pa ang natitirang mantsa sa puti kong pantalon!!! Bad trip, amoy suka na ko, pagdating sa party! Sabi ko nalang sa sarili ko, baka swerte ung nangyaring 'yon, may raffle pa naman!
W
hen I arrived at the party, kaagad me nanghingi ng alcohol at cologne sa kasama matangggal lang ang mabahong amoy at di nila malaman ang nakakahiyang pangyayayari!
The program goes on...isa-isa nang nagtatawag ng mga nabubunot sa raffle starting from the lowet / minor prizes of electric fan, flash drive, etc... 'Nung mga panahong 'yon, mabilis na tumitibok ang puso ko (hindi po dahil naroon na ung crush ko) pero di ko talaga alam kung bakit?? (^_^)
Naiinggit me sa mga kasama ko, kasi halos lahat sila natawag na sa mga prizes. Nagbiro pa nga me sa isa, sabi ko, "akin nalang 'yang napanalo mo, di mo na kailangan 'yan kasi mayaman ka na!"
The program goes on and on, until the last two major prizes. Natawag na ung second to the last major prize, isa na lang ung hinihintay! Sabi ko, wala nang pag-asa dyan... di naman ako swerte talaga sa mga raffle!!
When the General Manager announced the Team nung nabunot na pangalan, medyo bumilis pa ang pintig ng puso ko lalo na nung sinabing..."it starts with the letter R..then O... Rocky Batara"!
I hurriedly came up on the stage to get the certificate. Wala na akong maramdam nung marinig ung name ko as well nang umaakyat na ako sa stage. I won...I won the Grand Prize!!! Di ako makapaniwala. I got the Sony Bravia 32" LCD FlatScreen TV which worth 89k!
Laking pasasalamat ko nang gabing iyon. Sa wakas, hindi na
kami mag-aaway pa ng kapatid ko sa mga palabas sa TV dahil Kapamilya ako at sya nama'y Kapuso!
After all the 'malas' na na-encounter ko lalo na nung
November...isang di inaasahang malaking swerte rin ung dumating!!
As they always say, "good luck knocks Once" kaya't malugod kong pinatuloy ito. Out of the 60 prizes, I still got the GRAND PRIZE. Di ko akalain, ako pala 'ung 'Lucky One' nung gabing iyon. Siguro nga...Sinuwerte ako nang masukahan ako nang lasing sa bus...???